Genesis 43:18
Natakot ang mga lalaki dahil sila ay dinala sa bahay ni Jose. Sinabi nila, “Ito ay dahil sa perang isinauli sa aming mga sako sa unang pagkakataon na pumunta kami dito, para makahanap siya ng pagkakataon laban sa amin. Maaari niya kaming hulihin at gawin lipin, at kunin ang aming mga asno.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
17Ginawa ng katiwala ang sinabi ni Jose. Dinala niya ang mga lalaki sa bahay ni Jose.
19Nilapitan nila ang katiwala ng bahay ni Jose, at siya ay kinausap nila sa may pintuan ng bahay,
Cross References
Genesis 42:27Habang ang isa sa kanila ay nagbubukas ng kanyang sako para ipakain sa kanyang asno sa isang lugar-panuluyan, nakita niya ang kanyang pera. At narito, nasa bukana ito ng kanyang sako.
Genesis 42:35Dumating ang panahon habang inaalis nila ang laman ng kanilang mga sako, at narito nga, ang mga lalagyan ng pilak ng bawat isa ay nasa kanilang sako. Nang makita nila at ng kanilang ama ang mga lalagyan ng pilak, sila ay natakot.
Deuteronomy 22:14at pagkatapos ay kinamuhian niya, at pinaratangan niya ng nakakahiyang mga bagay at naglagay ng isang masamang reputasyon sa kaniya, at sasabihing, 'Kinuha ko itong babae, pero nang sinipingan ko siya, natuklasan kong wala siyang katibayan sa kaniyang pagkabirhen'
Judges 13:22Sinabi ni Manoa sa kaniyang asawa, “Tiyak na mamamatay tayo, dahil nakita natin ang Diyos!”
Job 15:21Isang kalila-kilabot na tunog ay nasa kaniyang mga tainga; habang siya ay nasa kasaganaan, ang tagapagwasak ay darating sa kanila.
Psalms 53:5Sila ay nasa kalagitnaan ng matinding pagkatakot, kahit na walang dahilan para matakot; dahil ikakalat ng Diyos ang mga buto ng sinumang nagsasama-sama laban sa inyo; ang ganiyang mga tao ay ilalagay sa kahihiyan dahil sila ay tinanggihan ng Diyos.