Genesis 43:30
Nagmamadali si Jose na lumabas sa loob, dahil labis siyang naantig tungkol sa kanyang kapatid na lalaki. Naghanap siya ng lugar upang iyakan. Pumunta siya sa kanyang silid at doon umiyak.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Genesis 42:24Siya ay tumalikod sa kanila at nanangis. Bumalik siya at nagsalita sa kanila. Kinuha niya si Simeon mula sa piling nila at iginapos siya habang sila ay nakatingin.
Genesis 45:14Niyakap niya ang kanyang kapatid na si Benjamin sa leeg at umiyak, at si Benjamin ay umiyak sa kanyang leeg.
1 Kings 3:26At ang babae na ang anak ay buhay pa ay nagsalita sa hari, dahil ang kaniyang puso ay puno ng pagmamahal para sa kaniyang anak, “O, aking panginoon, ibigay mo na lang sa kaniya ang nabubuhay na bata, at huwag mo siyang patayin sa anumang paraan.” Pero sinabi ng isa pang babae, “Hindi siya mapupunta sa akin o sa iyo. Hatiin ninyo siya.”
Hosea 11:8Paano ba kita isusuko, Efraim? Paano ba kita ibibigay, Israel? Paano ba kita gagawing katulad sa Adma? Paano ba kita gagawing katulad sa Zeboim? Nagbago ang saloobin ng aking puso; naghahalo ang lahat ng aking habag.
Acts 20:19Patuloy akong naglilingkod sa Panginoon ng buong pagpapakumbaba ng isip at may luha, at sa mga pagdurusang naranasan ko dahil sa mga masamang balak ng mga Judio.
Acts 20:37Umiyak silang lahat ng labis at yumakap kay Pablo at hinalikan siya.