Genesis 47:1
Pagkatapos pumasok si Jose at sinabi sa Paraon, “Ang aking ama at ang aking mga kapatid na lalaki, ang kanilang mga hayop, ang kanilang mga alagang kawan, at ang lahat ng kanilang pagmamay-ari, ay dumating na galing sa lupain ng Canaan. Tingnan mo, sila ay nasa lupain na ng Gosen.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
2Sinama niya ang lima sa kanyang mga kapatid na lalaki at ipinakilala sila sa Paraon.
Cross References
Genesis 45:10Maninirahan ka sa lupain ng Gosen at nang ikaw ay mapalapit sa akin, ikaw at ang iyong mga anak at ang mga anak ng iyong mga anak, at ang iyong mga hayop at ang iyong mga baka, at ang lahat ng nasa iyo.
Genesis 46:28Naunang ipinadala ni Jacob si Juda papunta kay Jose upang ituro sa kanya ang daan patungong Gosen at sila ay pumunta sa lupain ng Gosen.
Genesis 46:34sabihin ninyo dapat na, 'Ang inyong mga lingkod ay tagapag-alaga ng mga hayop mula sa aming kabataan hanggang ngayon, kami at ang aming mga ninuno.' Gawin ninyo ito para kayo ay maaring manirahan sa lupain ng Gosen, dahil ang bawat pastol ay kasuklam-suklam sa mga taga-Ehipto.”
Exodus 9:26Doon lamang sa lupain ng Gosen, kung saan nakatira ang mga Israelita, hindi umulan ng yelo.