Genesis 48:9
Sinabi ni Jose sa kanyang ama, “Sila ang mga anak kong lalaki, na ibinigay sa akin ng Diyos dito.” Sinabi ni Israel, “Dalhin mo sila sa akin para mabasbasan ko sila.”
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
8Nang nakita ni Israel ang mga anak na lalaki ni Jose, sinabi niya. “Kanino ang mga ito?”
Cross References
Genesis 27:28Nawa bigyan ka ng Diyos ng isang bahagi ng hamog ng langit, isang bahagi ng katabaan ng lupa, at masaganang mga butil at bagong alak.
Genesis 28:3Pagpalain ka nawa ng Makapangyarihang Diyos, pamungahin ka at paramihin, para dumami ang iyong lahi.
Genesis 33:5Nang tumingala si Esau, nakita niya ang mga babae at mga bata. Sinabi niya, “Sino itong mga taong kasama mo?” Sinabi ni Jacob, “Ang mga anak na malugod na ipinagkaloob ng Diyos sa iyong lingkod.”
Deuteronomy 33:1Ito ang pagpapala kung saan pinagpala ni Moises na tao ng Diyos ang bayan ng Israel bago ang kaniyang kamatayan.
1 Samuel 1:20Nang dumating ang panahon, nabuntis si Ana at nagsilang ng isang batang lalaki. Tinawag niya ang kanyang pangalan na Samuel, sinasabing, “Dahil hiningi ko siya mula kay Yahweh.”
1 Samuel 2:20Pinagpapala ni Eli si Elkana at kanyang asawa at sinasabing, “Bigyan nawa ka ni Yahweh ng maraming anak sa pamamagitan ng babaeng ito dahil sa kahilingan na kanyang ginawa kay Yahweh.” Pagkatapos babalik sila sa kanilang sariling tahanan.