Genesis 49:27
Gutom na lobo si Benjamin. Lalamunin niya ang kanyang nahuli sa umaga, at hahatiin niya ang mga nakaw sa gabi.”
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Genesis 35:18Habang naghihingalo siya, kasabay ng kanyang huling hininga pinangalanan niya siyang Benoni, ngunit ang kaniyang ama ay tinawag siyang Benjamin.
Numbers 23:24Tingnan mo, tumayo ang mga tao katulad ng isang babaeng leon, gaya ng isang leong lumabas at sumalakay. Hindi siya humihiga hanggang sa makain niya ang kaniyang biktima at inumin ang dugo ng kaniyang napatay.”
Deuteronomy 33:12Tungkol kay Benjamin, sinabi ni Moises: Ang isang minahal ni Yahweh ay namumuhay ng matiwasay sa tabi niya; iniingatan siya ni Yahweh sa mahabang panahon, at nabubuhay siya sa pagitan ng mga braso ni Yahweh.
Judges 20:21Lumabas ang mga tao ng Benjamin mula sa Gibea, at nakapatay sila ng dalawampu't dalawang libong kalalakihan nag hukbo ng Israel sa araw na iyon.
1 Samuel 11:4Dumating ang mga sugo sa Gibea, kung saan nakatira si Saul, at sinabi nila sa mga tao kung ano ang nangyari. Umiyak nang malakas ang lahat ng tao.
1 Samuel 17:1Ngayon tinipon ng mga Filisteo ang kanilang mga hukbo para sa labanan. Nagtipon sila sa Soco, na nabibilang sa Juda. Nagkampo sila sa pagitan ng Soco at Azeka, sa Epesdammim.