Genesis 49:3
Ruben, ikaw ang aking panganay, aking lakas, at ang simula ng aking kalakasan, katangi-tangi ang dangal at katangi-tangi ang kapangyarihan.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Genesis 35:22Habang nakatira si Israel pa sa lupaing iyon, sumiping si Reuben kay Bilha na ibang asawa kanyang ama, at narinig ito ni Israel. Ngayon si Jacob ay may labindalawang anak na lalaki.
Genesis 46:8Ito ang mga pangalan ng mga anak ni Israel na dumating sa Ehipto, si Jacob at ang kanyang mga anak na lalaki: si Ruben, panganay na anak ni Jacob;
Numbers 1:20Mula sa mga kaapu-apuhan ni Ruben, panganay na anak ni Israel, binilang nila ang lahat ng mga pangalan ng lalaking dalawampung taong gulang pataas na kayang pumunta sa digmaan, mula sa mga talaan ng mga angkan ng kanilang ninuno at mga pamilya.
Deuteronomy 21:17Sa halip, dapat niyang kilalanin ang panganay, ang anak na lalaki ng asawang kinasusuklaman, sa pamamagitan ng pagbibigay sa kaniya ng dobleng bahagi ng lahat ng kaniyang pag-aari; dahil ang anak na lalaking iyon ang simula ng kaniyang lakas; ang karapat ng unang anak ay pag aari niya.
Deuteronomy 33:6Hayaang mabuhay si Ruben at hindi mamatay; pero nawa ang kaniyang mga tauhan ay maging iilan lamang.
1 Chronicles 5:1Ito ang mga anak ni Ruben na panganay ni Israel—ngayon si Ruben ang panganay na anak ni Israel, ngunit ang kaniyang karapatan bilang panganay ay ibinigay sa mga anak ni Jose na anak ni Israel dahil dinungisan ni Ruben ang higaan ng kaniyang ama. Kaya hindi siya itinala bilang panganay na anak.