Genesis 49:8
Juda, pupurihin ka ng iyong mga kapatid na lalaki. Ang iyong kamay ay nasa leeg ng iyong mga kaaway. Yuyuko sa iyo ang mga anak na lalaki ng iyong ama.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Genesis 29:35Nagdalang-tao siya muli at nagsilang ng lalaki. Sinabi niya, “Sa pagkakataong ito pupurihin ko si Yahweh.” Kaya nga pinangalanan niya itong Juda; Pagkatapos huminto na siya sa pagkakaroon ng anak.
Genesis 42:6Ngayon si Jose ang gobernador sa buong lupain. Siya ang nagbebenta sa lahat ng tao sa lupain. Dumating ang mga lalaking kapatid ni Jose at nagpatirapa sila sa kanyang harapan.
Genesis 46:12mga anak na lalaki ni Juda: sina Er, Onan, Sela, Fares at Zara, (pero namatay si Er at Onan sa lupain ng Canaan. At ang mga anak na lalaki ni Fares, sina Hezron at Hamul);
Numbers 10:14Ang kampong nasa ilalim ng bandila ng mga kaapu-apuhan ni Juda ang unang lumabas, inilabas nila ang kani-kanilang mga hukbo. Si Naason na anak ni Aminadab ang nanguna sa hukbo ni Juda.
Deuteronomy 33:7Ito ang pagpapala para kay Juda. Sinabi ni Moises: Makinig ka, Yahweh, sa boses ng Juda, at dalhin siyang muli sa kaniyang mga tao. Makipaglaban para sa kaniya; maging tulong laban sa kaniyang mga kaaway.
Joshua 15:20Ito ay ang minana ng lipi ng bayan ng Juda, na ibinigay sa kanilang mga angkan.