Genesis 5:29
Tinawag niya siya sa pangalang Noe, sinabing, “Ang isang ito ang magbibigay kapahingahan sa atin mula sa ating trabaho at mula sa kapaguran ng ating mga kamay, na dapat nating gawin dahil sa lupang isinumpa ni Yahweh.”
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
28Nang nabuhay si Lamec ng 182 taon, siya ay naging ama ng isang lalaki.
Cross References
Genesis 4:11Ngayon isinumpa ka mula sa lupa, na nagbukas ng bunganga nito upang tanggapin ang dugo ng iyong kapatid mula sa iyong kamay.
Genesis 7:23Kaya bawat buhay na bagay na nasa ibabaw ng mundo ay nalipol, mula sa sangkatauhan hanggang sa malalaking mga hayop, mga gumagapang na mga bagay, at mga ibon sa himpapawid. Nawasak silang lahat mula sa mundo. Tanging si Noe at ang kanyang mga kasama sa arka ang natira.
Isaiah 54:9Katulad ito ng mga tubig sa panahon ni Noe sa akin: kagaya ng pagsumpa ko sa mga tubig noong panahon ni Noe na hindi na muli babahain ang ibabaw ng mundo, kaya isinumpa kong hindi na ako magagalit sa inyo o sawayin kayo.
Ezekiel 14:20at kahit pa nasa lupaing iyon sina Noe, Daniel, at Job—habang ako ay buhay, ang pahayag ng Panginoong Yahweh—hindi nila maililigtas kahit pa ang kanilang mga sariling anak na lalaki at babae, ang sarili lamang nilang buhay ang kanilang maililigtas sa pamamagitan ng kanilang pagiging matuwid.
Luke 3:36na anak ni Cainan na anak ni Arfaxad na anak ni Shem na anak ni Noe na anak ni Lamec na anak ni Metusalem na anak ni Enoc
Hebrews 11:7Sa pamamagitan ito ng pananampalataya na si Noe, ay binalaan ng Diyos ukol sa mga bagay na hindi pa nakita, nang may maka-diyos na paggalang ay gumawa ng isang daong upang mailigtas ang kaniyang pamilya. Sa paggawa nito, hinatulan niya ang mundo at naging tagapagmana ng katuwiran na nanggagaling sa pananampalataya.