Genesis 6:7
Kaya sinabi ni Yahweh, “Lilipulin ko ang sangkatauhang nilikha ko mula sa ibabaw ng mundo; kapwa ang sangkatauhan at ang higit na malalaking mga hayop, at gumagapang na mga bagay sa lupa at mga ibon sa kalangitan, dahil pinagsisihan kong ginawa ko sila.”
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
8Pero nakasumpong si Noe ng pagtatangi sa mata ni Yahweh.
Cross References
Psalms 24:1Ang buong lupain ay kay Yahweh, ang daigdig at ang lahat ng naninirahan dito.
Proverbs 10:27Ang takot kay Yahweh nagpapahaba ng buhay, ngunit ang mga taon ng masama ay mapapaiksi.
Isaiah 27:11Kapag nalanta ang mga sanga, sila ay puputulin. Dadating ang mga babae at gagawa ng apoy sa pamamagitan ng mga ito, dahil ang mga ito ay mga taong walang pang-unawa. Sa gayon ang kanilang manlilikha ay hindi mahahabag sa kanila, at siyang gumawa sa kanila ay hindi maaawa sa kanila.
Jeremiah 12:3Ngunit ikaw mismo Yahweh, kilala mo ako. Nakikita mo ako at sinusuri ang aking puso. Dalhin mo sila sa katayan tulad ng isang tupa. Ibukod mo sila para sa araw ng pagkatay.
Zephaniah 1:3Lilipulin ko ang mga tao at mga hayop, ang mga ibon sa kalangitan at ang mga isda sa dagat, ang sanhi ng pagkasira kasama ng mga masasama! Sapagkat lilipulin ko ang sangkatauhan sa lupa!” Ito ang pahayag ni Yahweh.