Genesis 9:2
Ang takot at ang sindak sa inyo ay mapupunta sa bawat nabubuhay na hayop sa mundo, sa bawat ibon sa langit, sa lahat ng bagay na nasa lupa, at sa lahat ng isda sa karagatan. Ibinigay ko ang mga ito sa inyong kamay.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Genesis 1:26Sinabi ng Diyos, “Gawin natin ang tao ayon sa ating wangis, ayon sa ating larawan. Hayaan silang mamahala sa isda sa dagat, sa mga ibon sa langit, sa mga hayop, sa buong mundo, at sa lahat ng gumagapang na bagay na gumagapang sa mundo.
Genesis 2:19Mula sa lupa ginawa ni Yahweh na Diyos ang bawat hayop sa bukid at bawat ibon sa langit. Pagkatapos dinala niya sila sa lalaki upang makita kung ano ang itatawag niya sa kanila. Anuman ang itinawag ng lalaki sa bawat buhay na nilikha, iyon ang kanyang pangalan.
Leviticus 26:6Magbibigay ako ng kapayapaan sa lupain; hihiga kayo ng walang kahit na anong kinatatakutan. Aalisin ko ang mga mababangis na hayop mula sa lupain at hindi dadaan ang espada sa inyong lupain.
Job 5:22Tatawanan mo ang pagkawasak at tag-gutom, at hindi ka matatakot sa mga mababangis na hayop.
Psalms 8:4ano ang halaga ng sangkatauhan na pinapansin mo sila, o ang mga tao na pinapakinggan sila?
Ezekiel 34:25At gagawa ako ng isang tipan ng kapayapaan sa kanila at aalisin ang mga masasama at mababangis na hayop mula sa lupain, kaya ang aking tupa ay mamumuhay ng ligtas sa ilang at matutulog sa mga kagubatan.