Habakuk 3:14
Iyong mga pinalagpasan ng kaniyang sariling mga sibat ang ulo ng kaniyang mga mangdidigma: Sila'y nagsiparitong parang ipoipo upang pangalatin ako; Ang kanilang kagalakan ay sakmaling lihim ang dukha.
Philippine Bible Society (1905)
In The King James Version
In Context
15Ikaw ay nagdaan sa dagat sa iyong mga kabayo. Sa bunton ng makapangyarihang tubig.
Cross References
Exodus 1:22At iniutos ni Faraon sa kaniyang buong bayan, na sinasabi, Itatapon ninyo sa ilog bawa't lalake na ipanganak, at bawa't babae ay ililigtas ninyong buhay.
Exodus 12:12Sapagka't ako'y dadaan sa lupain ng Egipto sa gabing yaon, at aking lilipulin ang lahat ng mga panganay sa lupain ng Egipto, maging tao at maging hayop; at gagawa ako ng kahatulan laban sa lahat ng mga dios sa Egipto, ako ang Panginoon.
Exodus 14:5At nasabi sa hari sa Egipto, na ang bayan ay tumakas: at ang puso ni Faraon at ng kaniyang mga lingkod ay nagbago tungkol sa bayan, at kanilang sinabi, Ano itong ating ginawa, na ating pinayaon ang Israel, upang huwag na tayong mapaglingkuran?
Exodus 15:9Sinabi ng kaaway, Aking hahabulin, aking aabutan, magbabahagi ako ng samsam, Ang aking nasa ay masisiyahan sa kanila; Aking bubunutin ang aking tabak, lilipulin sila ng aking kamay.
Psalms 10:8Siya'y nauupo sa mga pinakasulok na dako ng mga nayon: sa mga kubling dako ay pinapatay niya ang walang sala; ang kaniyang mga mata ay natititig laban sa walang nagkakandili.
Psalms 78:50Kaniyang iginawa ng landas ang kaniyang galit; hindi niya pinigil ang kanilang buhay sa kamatayan, kundi ibinigay ang kanilang buhay sa pagkapuksa;