Hagai 1:11
Ipinaranas ko ang tagtuyot sa lupain at sa mga kabundukan, sa trigo at sa bagong alak, sa langis at sa mga inaani sa lupa, sa mga tao at sa mga mababangis na hayop, at sa lahat ng pinaghirapan ng inyong mga kamay!”'
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
10Dahil dito, ipinagkait ng kalangitan ang hamog sa inyo at ipinagkakait ng lupa ang ani nito.
Cross References
Deuteronomy 28:22Sasalakayin kayo ni Yahweh sa pamamagitan ng mga nakakahawang karamdaman, ng lagnat, ng pamamaga, at ng tagtuyot at sobrang kainitan, at ng mga malalakas na hangin at amag. Hahabulin nila hanggang kayo ay mapuksa.
2 Kings 8:1Ngayon nagsalita si Eliseo sa babae na ang anak ay kaniyang binuhay. Sinabi niya sa kaniya, “Bumangon ka, at pumunta sa iyong sambahayan, at manatili ka sa ibang lupain kung saan maaari, dahil magpapadala si Yahweh ng taggutom na darating sa lupaing ito ng pitong taon.”
Lamentations 1:21Pakinggan mo akong dumadaing. Wala ni isa ang umaaliw sa akin. Narinig ng lahat ng aking mga kaaway ang aking kahirapan. Nagalak sila na natapos mo ito. Paratingin ang araw na iyong ipinahayag; maging tulad nawa nila ako.
Amos 7:4Ito ang ipinakita sa akin ng Panginoong Yahweh: Tingnan, tumawag ang Panginoong Yahweh ng apoy upang humatol. Tinuyo nito ang napakalawak, malalim na tubig sa ilalim ng lupa at sisirain pati na rin ang kalupaan.
Haggai 2:17Pinahirapan ko kayo at ang lahat ng gawa ng inyong mga kamay sa pamamagitan ng pagkabulok at pagkaaamag, ngunit hindi pa rin kayo bumalik sa akin'-ito ang pahayag ni Yahweh.