Hagai 1:12
At si Zerubabel na anak ni Sealtiel at ang pinakapunong pari na si Josue na anak ni Jehozadak, kasama ang lahat ng mga natitirang tao, na sumunod sa tinig ni Yahweh na kanilang Diyos at sa mga salita ni Hagai na propeta dahil isinugo siya ni Yahweh na kanilang Diyos. At kinatakutan ng mga tao ang mukha ni Yahweh.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Genesis 22:12Sinabi niya, “Huwag mong pagbuhatan ng kamay, ni gumawa ng anuman para saktan siya, sapagkat ngayon alam kong may takot ka sa Diyos, nakikita kong hindi mo ipinagkait ang iyong anak, ang iyong kaisa-isang anak na si Isaac sa akin.
Ezra 5:2Umakyat si Zerubabel na anak ni Sealtiel at Josue na anak ni Jozadak at sinimulang itayo ang tahanan ng Diyos sa Jerusalem kasama ang mga propeta na nanghikayat sa kanila.
Proverbs 1:7Ang pagkatakot kay Yahweh ay ang simula ng kaalaman - ang mga hangal ay kinamumuhian ang karunungan at disiplina.
Isaiah 50:10Sino sa inyo ang natatakot kay Yahweh? Sino ang sumusunod sa boses ng kaniyang lingkod? Sino ang naglalakad sa malalim na kadiliman nang walang liwanag? Dapat siyang magtiwala sa pangalan ni Yahweh at sumandal sa kaniyang Diyos.
Haggai 1:1Sa ikalawang taon ni haring Dario, sa unang araw ng ikaanim na buwan, dumating ang salita ni Yahweh sa pamamagitan ng kamay ni Hagai na propeta para sa gobernador ng Juda na si Zerubabel na anak ni Sealtiel, at sa pinakapunong pari na si Josue na anak ni Josadac, at sinabi,
Haggai 2:2“Magsalita ka sa gobernador ng Juda, kay Zerubabel na anak ni Sealtiel at sa punong pari na si Josue na anak ni Josadac at sa mga natitirang tao. Sabihin mo,