Hagai 1:14
Kaya pinakilos ni Yahweh ang espiritu ng gobernador ng Juda, si Zerubabel na anak ni Sealtiel, at ang espiritu ng pinakapunong pari na si Joshua na anak ni Jehozadak, at ang espiritu nang lahat ng mga tao na natira, kaya sila pumunta at ginawa ang tahanan ni Yahweh ng mga hukbo na kanilang Diyos,
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
15sa ikadalawampu't apat na araw ng ikaanim na buwan, sa ikalawang taon ng paghahari ni Dario.
Cross References
1 Chronicles 5:26Hinimok ng Diyos ng Israel si Pul na hari ng Asiria (na tinawag din na Tilgat Pileser, hari ng Asiria). Dinala niyang bihag ang mga Rubenita, mga Gadita at kalahati ng tribu ni Manases. At dinala niya sila sa Hala, sa Habor, sa Hara, at sa ilog ng Gozan, kung saan sila ay nananatili hanggang ngayon.
Ezra 1:1Noong unang taon ni Ciro, hari ng Persia, tinupad ni Yahweh ang kaniyang salita na dumating mula sa bibig ni Jeremias at inudyukan ang espiritu ni Ciro. Ang tinig ni Ciro ay narinig sa kaniyang buong kaharian. Ito ang nasusulat at nasabi:
Ezra 5:2Umakyat si Zerubabel na anak ni Sealtiel at Josue na anak ni Jozadak at sinimulang itayo ang tahanan ng Diyos sa Jerusalem kasama ang mga propeta na nanghikayat sa kanila.
Ezra 7:27Sinabi ni Ezra, “Purihin si Yahweh, ang Diyos ng ating mga ninuno, ang siyang naglagay ng lahat ng ito sa puso ng hari para sa kapurihan ng tahanan ni Yahweh sa Jerusalem,
Psalms 110:3Ang iyong bayan ay susunod sa iyo sa banal na kasuotan ng kanilang sariling kalooban sa araw ng iyong kapangyarihan; mula sa sinapupunan ng bukang liwayway ang iyong pagkabata ay mapapasaiyo gaya ng hamog.
Haggai 1:12At si Zerubabel na anak ni Sealtiel at ang pinakapunong pari na si Josue na anak ni Jehozadak, kasama ang lahat ng mga natitirang tao, na sumunod sa tinig ni Yahweh na kanilang Diyos at sa mga salita ni Hagai na propeta dahil isinugo siya ni Yahweh na kanilang Diyos. At kinatakutan ng mga tao ang mukha ni Yahweh.