Haggai 2:12
Kung magdadala ang isang tao ng isang karne na naitalaga kay Yahweh sa laylayan ng kaniyang damit, at kung masagi ng laylayan ng kaniyang damit ang tinapay o sabaw, alak o langis, o anumang pagkain, magiging banal din ba ang mga pagkaing iyon?” Sumagot ang mga pari at sinabi, “Hindi.”
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Leviticus 6:27Magiging banal ang anumang makakahawak ng mga karneng ito, at kung naiwisik ang dugo sa anumang damit, dapat ninyong labahan ito, ang bahagi na tinilamsikan, sa isang banal na lugar.
Leviticus 7:6Bawat lalaki na kabilang sa mga pari ay maaaring kumain ng bahagi ng handog na ito. Dapat kainin ito sa isang banal na lugar dahil pinakabanal ito.
Ecclesiastes 10:1Katulad ng mga patay na langaw na nagpapabaho ng pabango, ganoon din ang munting kamangmangan ay kayang mahigitan ang karunungan at karangalan.
Matthew 23:19Kayong mga bulag, alin ba ang mas mahalaga, ang kaloob o ang altar kung saan iniaalay ang kaloob sa Diyos?