The Bible Software
bible.software › Hagai › Hagai 2 › Hagai 2:22

Hagai 2:22

Sapagkat pababagsakin ko ang trono ng mga kaharian at sisirain ko ang kalakasan ng mga kaharian ng bansa, pababagsakin ko ang kanilang mga karwahe at ang mga mangangarwahe nito. Ang mga kabayo at mga mangangabayo ay malalaglag ang bawat isa dahil sa espada ng kaniyang kapatid.

Ang Biblia (Tagalog)

In The King James Version

And I will overthrow the throne of kingdoms, and I will destroy the strength of the kingdoms of the heathen; and I will overthrow the chariots, and those that ride in them; and the horses and their riders shall come down, every one by the sword of his brother.

In Context

21“Makipagusap ka sa gobernador ng Juda, kay Zerubabel at sabihin mo, 'Yayanigin ko ang kalangitan at ang lupa.

23Sa araw na iyon'—ito ang pahayag ni Yahweh ng mga hukbo—' kukunin kita Zerubabel anak ni Sealtiel bilang aking lingkod'- Ito ang pahayag ni Yahweh. Gagawin kitang tulad ng isang selyo sa aking singsing, sapagkat ikaw ang aking pinili! -ito ang pahayag ni Yahweh ng mga hukbo!”

Read all of Hagai 2

Cross References

Exodus 14:17Tandaan mo na patitigasin ko ang puso ng mga taga-Ehipto para sila ay tugisin. Makakakuha ako ng parangal dahil kay Paraon at sa lahat ng kaniyang hukbo, mga karwahe at ang kaniyang mga nangangabayo.

Exodus 15:4Ang mga karwahe at hukbo ng Paraon, sa dagat ay kaniyang itinapon. Ang mga piniling opisyal ni Paraon, sa Dagat ng mga Tambo sila ay nalunod.

Judges 7:22Nang hinipan nila ang tatlong daang mga trumpeta, itinakda ni Yahweh ang espada ng bawat Midianita laban sa kaniyang kasama at laban sa lahat ng kanilang mga hukbo. Tumakbo palayo ang hukbo hanggang sa layo ng Beth Sita patungong Zerera, kasing layo ng hangganan ng Abel Meholah na malapit sa Tabata.

2 Chronicles 15:6Nagkawatak-watak sila, bansa laban sa bansa at lungsod laban sa lungsod sapagkat pinahirapan sila ng Diyos ng lahat ng uri ng pagdurusa.

Psalms 46:9Pinahihinto niya ang mga digmaan sa dulo ng mundo; binali niya ang mga pana at ang mga sibat ay pinagpira-piraso; ang mga panangga ay kaniyang sinunog.

Isaiah 9:19Sa pamamagitan ng nag-uumapaw na galit ni Yahweh ng mga hukbo ang lupain ay nasunog at ang mga tao ay tulad ng langis para sa apoy. Walang patatakasin sa kaniyang mga kapatid.

This Verse In Other Editions

King James VersionBíblia Almeida (Português)Luther Bibel (Deutsch)Bible Louis Segond (Français)Библия (Русский)聖經 (中文)성경 (한국어)الكتاب المقدس (العربية)बाइबल (हिन्दी)Biblia (Kiswahili)Bibbia Diodati (Italiano)Alkitab (Bahasa Indonesia)Kinh Thánh (Tiếng Việt)

Study Hagai 2:22

Matthew HenryJamieson-Fausset-BrownAdam ClarkeJohn WesleyJohn CalvinKeil and DelitzschScofieldFamily Bible NotesGeneva Bible Notes (1599)
← Hagai 2:21Hagai 2Hagai 2:23 →