Mga Hebreo 10:11
Sa katunayan tumatayong naglilingkod ang bawat pari araw-araw, iniaalay ang parehong mga handog, kung saan, gayon pa man, hindi makatatanggal ng mga kasalanan kailanman.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Exodus 29:38Dapat kang maghandog palagi ng dalawang tupa na isang taon ang gulang doon sa altar araw-araw.
Numbers 28:24Gaya ng nailarawan dito, dapat kayong mag-alay ng mga handog na ito araw-araw, para sa pitong araw ng Paskua, ang pagkaing inihahandog ninyong ipinaraan sa apoy, isang mabangong halimuyak para kay Yahweh. Dapat itong ihandog bilang karagdagan sa karaniwang alay na susunugin at inuming handog kasama nito.
Psalms 50:8Hindi ko kayo susumbatan dahil sa inyong mga alay; ang sinunog ninyong mga handog ay laging nasa aking harapan.
Ezekiel 45:4Magiging isang banal na lugar ito sa lupain para sa mga paring naglilingkod kay Yahweh, ang mga lumapit kay Yahweh upang maglingkod sa kaniya. Magiging isang lugar ito para sa kanilang mga tahanan at isang banal na bahagi para sa banal na lugar.
Daniel 9:21habang ako ay nananalangin, ang lalaking si Gabriel, na nakita ko sa unang pangitain ay mabilis na lumipad pababa sa akin, sa panahon ng pag-aalay sa gabi.
Daniel 11:31Lilitaw ang kaniyang mga hukbo at lalapastanganin ang santuwaryo at ang kutang tanggulan; kukunin nila ang mga karaniwang handog na susunugin at magsisimula sila ng pagkasuklam na magiging sanhi ng ganap na pagkawasak.