Mga Hebreo 11:23
Sa pamamagitan ito ng pananampalataya na si Moises, nang siya ay ipanganak ay itinago siya ng kaniyang mga magulang ng tatlong buwan dahil nakita nila na siya ay isang magandang bata at hindi sila takot sa utos ng hari.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Exodus 1:22Inutusan ni Paraon ang lahat ng kaniyang mga tao, “Kailangan ninyong itapon sa ilog bawat lalaki na ipinanganak, pero pabayaan ninyong mabuhay ang bawat babae.”
Psalms 56:4Sa Diyos, na ang salita ay aking pinupuri - sa Diyos ako nagtitiwala; hindi ako matatakot; ano ang magagawa sa akin ng mga pawang tao lamang?
Isaiah 8:12Huwag ninyong tawaging pagsasabwatan ang alinmang tinuturing na pagsasabwatan ng mga taong ito; huwag kang matakot sa kinakatakutan nila, at huwag kang magpasindak.
Isaiah 41:14Huwag matakot, Jacob ikaw na uod, at kayong mga Israelita; tutulungan ko kayo” — ito ang pahayag ni Yahweh, ang iyong tagapagligtas, ang Banal ng Israel.
Isaiah 51:12“Ako, Ako, ang siyang umaaliw sa inyo. Bakit kayo natatakot sa mga tao, na mamamatay, ang mga anak ng tao, na ginawa tulad ng damo?
Daniel 6:10Nang nalaman ni Daniel na nalagdaan na ang kasulatan na isina-batas, pumunta siya sa kaniyang bahay (ngayon ang kaniyang bintana sa itaas ay nakabukas sa dakong Jerusalem) at siya ay lumuhod, gaya ng ginagawa niya ng tatlong beses sa isang araw, at nanalangin at nagpapasalamat sa harapan ng kaniyang Diyos, gaya ng kaniyang dating ginagawa.