Hebrews 12:2
Dapat nating ituon ang ating mga mata kay Jesus, ang may-akda at nagpapaganap ng ating pananampalataya, dahil sa kagalakan na inilaan sa kaniya, na nagdala sa kaniya na nagtiis sa krus sa kabila ng kahihiyan, at umupo sa kanang kamay ng trono ng Diyos.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Numbers 21:9Kaya gumawa si Moises ng isang tansong ahas at ikinabit ito sa isang poste. Kapag natuklaw ng isang ahas ang sinumang tao, kung titingin siya sa tansong ahas, makaliligtas siya.
Psalms 22:6Pero ako ay parang isang uod at hindi isang tao, isang kahihiyan sa sangkatauhan at pinagtatawanan ng mga tao.
Psalms 110:1Sinabi ni Yahweh sa aking panginoon, “Umupo ka sa aking kanang kamay hanggang ang iyong mga kaaway ay gawin kong iyong tuntungan.”
Isaiah 8:17Maghihintay ako kay Yahweh, siya na itinatago ang kaniyang mukha mula sa bahay ni Jacob; maghihintay ako sa kaniya.
Isaiah 45:22Bumalik kayo sa akin at maligtas, lahat ng nasa sulok ng mundo; dahil ako ang Diyos, at walang ibang diyos.
Isaiah 50:6Binigay ko ang aking likod sa mga bumubugbog sa akin, at ang aking mga pisngi sa mga bumunot ng aking balbas; hindi ko tinago ang aking mukha mula sa pamamahiya at panunura.