Hebrews 4:1
Kaya, kailangan nating maging maingat upang walang sinuman sa inyo ang mabigo upang maabot ang patuloy na pangako na pagpasok sa kapahingahan ng Diyos.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
1 Samuel 2:30Sapagka't si Yahweh, ang Diyos ng Israel, nagsasabing, 'Nangako ako na ang inyong bahay, at ang bahay ng inyong ninuno, ay lalakad sa harap ko magpakailanman.' Ngunit ngayon sinasabi ni Yahweh, 'Malayong gawin ko ito, sapagka't pararangalan ko yaong nagpaparangal sa akin, ngunit yaong mga humahamak sa akin ay hindi papahalagahan.
Proverbs 28:14Masaya ang isa na laging namumuhay na may paggalang, ngunit ang sinumang nagmamatigas ng kaniyang puso ay babagsak sa kaguluhan.
Matthew 7:21Hindi lahat ng nagsasabi sa akin, 'Panginoon, Panginoon,' ay makakapasok sa kaharian ng langit, kundi ang gumagawa lamang sa kagustuhan ng aking Amang nasa langit.
Matthew 24:48Ngunit kung may masamang utusan na magsasabi sa puso niya, 'Naantala ang aking amo,'
Luke 13:25Kapag tumayo na ang may-ari ng bahay at isinara ang pintuan, at kayo ay tatayo sa labas at kakalabugin ang pinto at sasabihin, 'Panginoon, Panginoon, papasukin mo kami.' At siya ay sasagot at sasabihin sa inyo, 'Hindi ko kayo kilala o kung taga-saan kayo.'
Romans 3:23Sapagkat ang lahat ay nagkasala at hindi nakaabot sa kaluwalhatian ng Diyos.