Hebrews 4:3
Sapagkat tayo, ang naniwala— tayo rin ang makakapasok sa kapahingahan, gaya ng sinabi, “Katulad ng aking isinumpa sa poot, Hindi sila makapapasok sa aking kapahingahan.” Sinabi niya ito, bagama't ang kaniyang mga nilikhang gawain ay natapos na mula sa simula pa ng mundo.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Genesis 1:31Nakita ng Diyos ang lahat ng bagay na kanyang ginawa. Pagmasdan, ito ay napakabuti. Naggabi at nag-umaga, ito ang ika anim araw.
Psalms 95:11Kaya nga nangako ako sa aking poot na hindi na sila kailanman makakapasok sa aking lugar ng kapahingahan.”
Jeremiah 6:16Ito ang sinasabi ni Yahweh, “Tumayo kayo sa panulukang-daan at tumingin, magtanong para sa mga lumang daan. 'Nasaan ang magandang daan na ito?' At pumunta kayo doon at maghanap ng lugar na mapagpapahingahan para sa inyong mga sarili. Ngunit sinabi ng mga tao, 'Hindi kami pupunta.'
Matthew 13:35Ito ay upang magkatotoo ang mga nasabi sa pamamagitan ng mga propeta noong sinabi niyang, “Bubuksan ko ang aking bibig sa pamamagitan ng talinghaga, sasabihin ko ang mga bagay na naitago buhat nang itatag ang mundo.”
Ephesians 1:4Bago likhain ang sanlibutan, pinili na tayo ng Diyos na mga mananampalataya kay Cristo. Pinili niya tayo upang tayo ay maging banal at walang kapintasan sa kaniyang paningin.
Hebrews 3:14Sapagkat tayo ay naging kasama ni Cristo kung patuloy nating panghahawakan ang ating pananalig sa kaniya mula sa simula hanggang sa katapusan.