Mga Hebreo 5:14
Sa ibang banda, ang matigas na pagkain ay para sa mga may ganap nang gulang, sila na dahil sa kanilang karanasang kumilala ng tama sa mali, ay sinanay upang maunawaan ang mabuti at masama.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
2 Samuel 14:17Pagkatapos nanalangin ang iyong lingkod, “Yahweh, pakiusap hayaang magbigay ginhawa sa akin ang salita ng aking amo na hari, dahil gaya ng isang anghel ng Diyos, gayon din ang aking amo na hari sa pagsasabi ng mabuti mula sa masama.' Makasama mo nawa si Yahweh na iyong Diyos.”
1 Kings 3:11Kaya sinabi sa kaniya ng Diyos, “Dahil hiniling mo ang bagay na ito at hindi ka humiling para sa sarili mo ng mahabang buhay o kayamanan o ang buhay ng iyong mga kalaban, pero humiling ka para sa sarili mo ng kaunawaan para malaman ang katarungan.
Job 12:11Hindi ba ang tainga ang sumusuri sa mga salita gaya ng dila na tumitikim sa pagkain?
Psalms 119:103Napakatamis sa aking panlasa ang iyong mga salita, oo, mas matamis kaysa sa pulot sa aking bibig!
Song of Solomon 2:3Gaya ng puno ng aprikot sa mga puno ng kagubatan, gayon din ang aking minamahal sa gitna ng mga kabinataan. Umuupo ako sa ilalim ng kaniyang anino na may labis na kasiyahan, at ang kaniyang bunga ay matamis sa aking panlasa.
Matthew 5:48Kaya dapat kayong maging ganap sapagkat ang inyong Amang nasa langit ay ganap.