Hebrews 7:19
Sapagkat ang kautusan ay walang ginawang ganap. Gayunpaman, mayroong mas mabuting pag-asa para sa hinaharap kung saan lumalapit tayo sa Diyos.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
18Sapagkat pinawalang saysay ang dating kautusan dahil sa ito ay mahina at walang pakinabang.
Cross References
Psalms 73:28Pero para sa akin, ang kailangan ko lang gawin ay lumapit sa Diyos. Ginawa kong kublihan si Yahweh na aking Panginoon. Ipahahayag ko ang lahat ng iyong mga gawa.
John 14:6Sabi ni Jesus sa kaniya, “Ako ang daan, ang katotohanan, at ang buhay; walang sinuman ang makararating sa Ama maliban sa pamamagitan ko.
Romans 3:20Ito ay dahil walang laman ang mapawawalang-sala sa pamamagitan ng batas sa paningin niya. Sapagkat sa pamamagitan ng kautusan ay dumating ang kaalaman sa kasalanan.
Romans 8:3Sapagkat kung ano ang hindi kayang gawin ng kautusan dahil mahina ito sa pamamagitan ng laman ay ginawa ng Diyos. Isinugo niya ang kaniyang sariling Anak na kawangis ng makasalanang laman para maging isang handog sa kasalanan, at hinatulan niya ang kasalanan sa laman.
Galatians 3:24Kaya ang kautusan ay naging taga-gabay natin hanggang si Cristo ay dumating, upang tayo ay mapawalang-sala sa pamamagitan ng pananampalataya.
Ephesians 3:12Sapagkat dahil kay Cristo mayroon tayong lakas ng loob at kakayahang makalapit sa kaniya nang may tiwala dahil sa ating pananampalataya sa kanya.