Hebrews 9:4
Mayroon itong gintong altar para sa insenso. Nandito rin ang kaban ng tipan na nababalutan ng ginto. Sa loob nito ay sisidlang ginto na may lamang manna, ang namulaklak na tungkod ni Aaron at ang mga tapyas na bato ng tipan.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
3At sa likod ng pangalawang tabing ay isa pang silid na tinatawag na kabanal-banalang lugar.
Cross References
Exodus 25:10Sila ay gagawa ng isang kaban ng kahoy na akasya. Ang haba dapat nito ay dalawa at kalahating mga kubit; ang lapad nito ay magiging isang kubit at kalahati; at ang taas nito ay magiging isang kubit at kalahati.
Exodus 30:1Dapat kang gumawa ng altar para magsunog ng insenso. Dapat mong gawin ito sa kahoy ng akasya.
Exodus 37:1Gumawa si Bezalel ng kaban sa kahoy ng akasya. Ang haba nito ay dalawa at kalahating kubit; ang lapad nito ay isa at kalahating kubit at ang taas nito ay isa at kalahating kubit.
Exodus 40:3Dapat mong ilagay doon ang kaban ng mga tipan ng kautusan, at dapat mong tabingan ang kaban gamit ang kurtina.
Leviticus 16:12Dapat kumuha si Aaron ng isang sensaryo na puno ng mga uling na may apoy mula sa altar sa harapan ni Yahweh, na puno ng giniling na pinong-pinong mabangong insenso ang mga kamay niya, at dadalhin ang mga bagay na ito sa loob ng kurtina.
Numbers 17:8Sa sumunod na araw, pumunta si Moises sa toldang tipanan at, pagmasdan, ang tungkod ni Aaron para sa mga tribu ni Levi ay umusbong. Tumubo ang mga usbong at naglabas ng mga bulaklak at hinog na almonte!