Hosea 10:1
Ang Israel ay isang malagong puno ng ubas na namumunga. Habang dumarami ang kaniyang bunga, mas dumarami ang mga altar na kaniyang itinatayo. Habang namumunga ng marami ang kaniyang lupain, pinapabuti niya ang kaniyang mga banal na haligi.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
1 Kings 14:23Dahil sila ay nagtayo rin ng mga dambana, mga sagradong haliging bato, at poste ni Asera sa bawat matataas na burol at sa ilalim ng bawat luntiang puno.
Isaiah 5:4Ano pa ang maaari kong gawin na hindi ko nagawa para sa aking ubasan? Nang inasahan kong mamunga ito ng matatamis na ubas, bakit namunga ito ng maaasim?
Jeremiah 2:28Ngunit nasaan ang mga diyos na inyong ginawa para sa inyong mga sarili? Patayuin ninyo sila kung nais nila kayong iligtas sa oras ng inyong mga kaguluhan, sapagkat kasindami ng inyong diyos ang inyong mga lungsod, oh Juda!
Jeremiah 11:17Sapagkat si Yahweh ng mga hukbo ang nagtanim sa inyo, ang nag-atas ng kapahamakan laban sa inyo dahil sa mga gawaing masama na ginawa ng sambahayan ng Israel at ng sambahayan ng Juda. Ginalit nila ako sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga alay kay Baal.”'
Hosea 2:8Sapagkat hindi niya nalamang ako ang nagbigay sa kaniya ng butil, ng bagong alak at ng langis, at ang nagbigay sa kaniya ng labis-labis na pilak at ginto, na ginamit naman nila para kay Baal.
Hosea 8:4Nagtalaga sila ng mga hari, ngunit hindi sa pamamagitan ko, gumawa sila ng mga prinsipe, ngunit hindi ko nalalaman. Sa pamamagitan ng kanilang mga pilak at ginto gumawa sila ng mga diyus-diyosan para sa kanilang mga sarili, ngunit ito ay nangyari upang sila ay mapapahamak.”