Hosea 10:9
“Israel, nagkasala ka mula pa noong mga araw ng Gibea; nanatili ka roon. Hindi ba nalampasan ng digmaan ang mga gumagawa ng kasamaan sa Gibea?
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Genesis 6:5Nakita ni Yahweh ang labis na kasamaan ng sangkatauhan sa mundo, at ang bawat pagkahilig ng kanilang puso ay patuloy na kasamaan lamang.
Judges 19:22Nagsasaya sila, nang ang mga kalalakihan sa lungsod, masasamang lalaki, ay pinalibutan ang bahay, hinahampas ang pinto. Nakipag-usap sila sa matandang lalaki, ang amo ng bahay, at sinabing, “Palabasin ang lalaking dumating sa iyong bahay, para makilala namin siya.”
Judges 20:13Kaya, ibigay sa amin ang masamang kalalakihan ng Gibea, para maaari namin silang patayin, at para ganap naming matatanggal itong kasamaan mula sa Israel. Pero ang mga Benjamita ay hindi nakikinig sa tinig ng kanilang mga kapatid, ang mga tao ng Israel.
Judges 20:21Lumabas ang mga tao ng Benjamin mula sa Gibea, at nakapatay sila ng dalawampu't dalawang libong kalalakihan nag hukbo ng Israel sa araw na iyon.
Hosea 9:9Lubha nilang sinira ang kanilang mga sarili tulad sa mga panahon ng Gibea. Aalalahanin ng Diyos ang kanilang kasamaan at parurusahan niya ang kanilang mga kasalanan.
Matthew 23:31Sa gayon kayo mismo ang nagpapatotoo na kayo ay mga anak ng mga pumatay sa mga propeta.