Hosea 11:10
Lalakad silang sumusunod sa akin, Yahweh. Aatungal ako katulad ng isang leon. Sa katunayan aatungal ako, at manginginig na paparito ang mga tao mula sa kanluran.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Psalms 2:11Sambahin si Yahweh nang may takot at magdiwang nang may panginginig.
Isaiah 2:5Lumapit ka, angkan ni Jacob, at lumakad tayo sa liwanag ni Yahweh.
Isaiah 31:4Ito ang sinasabi sa akin ni Yahweh, “Tulad ng isang leon, kahit ang batang leon, na umaatungal sa gutay-gutay na biktima nito, pagkatapos na ang isang pangkat ng mga pastol ay tinawag laban dito, pero hindi ito manginginig sa kanilang mga tinig, ni tatakas sa kanilang ingay; kaya si Yahweh ng mga hukbo ng mga anghel ay bababa para lumaban sa Bundok ng Sion, sa burol na iyon.
Isaiah 49:10Hindi sila magugutom o mauuhaw; maging ang init o ang araw ay hindi sila tatamaan, dahil siyang may awa sa kanila ay pangungunahan sila; gagabayan niya sila sa mga bukal ng tubig.
Jeremiah 2:2“Pumunta ka at ipahayag mo sa pandinig ng Jerusalem. Sabihin mo, 'Ito ang sinasabi ni Yahweh: Alang-alang sa iyo, inaalala ko ang iyong pangako ng katapatan sa iyong kabataan, ang iyong pag-ibig nang magkasundo tayong magpakasal, nang sundan mo ako sa ilang, ang lupain na walang tanim.
Jeremiah 7:6Kung hindi ninyo sinasamantala o inaabuso ang isang tao na naninirahan sa lupain, ang ulila o ang balo at hindi dumanak ang inosenteng dugo sa lugar na ito at hindi kayo sumunod sa ibang mga diyos para sa inyong sariling kapahamakan.