Hosea 11:12
Pinalilibutan ako ni Efraim ng kasinungalingan, at panlilinlang ng sangbahayan ng Israel. Ngunit nananatiling sumusunod parin si Juda sa akin, na Diyos, at tapat sa akin, ang Banal.”
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
2 Kings 18:4Tinanggal niya ang mga dambana, winasak ang mga sagradong poste na gawa sa bato, at pinutol ang mga poste ni Asera. Pinagpira-piraso niya ang tansong ahas na ginawa ni Moises, dahil sa mga panahon na iyon nagsusunog dito ng insenso ang bayan ng Israel; tinawag itong “Nehustan”.
Psalms 78:36Pero bobolahin siya nila sa pamamagitan ng kanilang bibig at magsisinungaling sila sa pamamagitan ng kanilang mga salita.
Isaiah 44:20Para bang siyang kumakain ng abo; ang kaniyang nadayang puso ay niligaw siya. Hindi niya mailigtas ang kaniyang sarili, ni masabi, “Ang bagay na ito sa aking kanang kamay ay isang bulaang diyos.”
Hosea 4:2May pagsusumpa, pagsisinungaling, pagpatay, pagnanakaw at pangangalunya. Nilabag ng mga tao ang lahat ng hangganan at sunod-sunod ang pagdanak ng dugo.
Hosea 7:16Bumalik sila, ngunit hindi sila bumalik sa akin, ang Kataas-taasan. Tulad sila ng isang sirang pana. Babagsak ang kanilang mga opisyal sa pamamagitan ng espada dahil sa kawalang-galang ng kanilang mga dila. Magiging dahilan ito ng pangungutya sa kanila sa lupain ng Egipto.
Hosea 12:7Hindi tama ang timbangan ng mga mangangalakal sa kanilang mga kamay; kinagigiliwan nila ang mandaya.