Hosea 11:4
Pinangungunahan ko sila nang mga tali ng sangkatauhan, may mga tali ng pag-ibig. Katulad ako sa isang tao na nagpapagaan ng pamatok sa kanilang mga panga, at yumuko ako upang pakainin sila.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Exodus 16:32Sinabi ni Moises, “Ito ang inutos ni Yahweh: 'Hayaang itago ang isang omer na manna para sa kabuuan ng salinlahi ng inyong bayan para ang inyong mga kaapu-apuhan ay maaring makita ang tinapay na pinakain ko sa inyo sa ilang, matapos na ilabas ko kayo mula sa lupain ng Ehipto.'”
Deuteronomy 32:12Si Yahweh lamang ang pumatnubay sa kaniya; walang dayuhang diyus-diyosan ang kasama niya.
2 Samuel 7:14Magiging isang ama ako sa kaniya, at magiging anak ko siya. Kapag magkasala siya, parurusahan ko siya ng pamalo ng mga kalalakihan at may kasamang paghagupit sa mga anak ng tao.
Psalms 105:40Humingi ng pagkain ang mga Israelita, at nagdala siya ng mga pugo at binusog sila ng tinapay mula sa langit.
Isaiah 63:9Nagdusa rin siya sa lahat ng kanilang pagdurusa at ang anghel mula sa kanyang presensya ang nagligtas sa kanila. Sa kanyang pag-ibig at habag sila ay kanyang iniligtas, sila ay kanyang itinaas at iningatan sa buong sinaunang panahon.
Jeremiah 31:3Nagpakita sa akin si Yahweh noong nakaraan at sinabi, “Minahal kita Israel, ng walang hanggang pagmamahal. Kaya inilapit kita sa aking sarili na may matapat na kasunduan.