Hosea 13:1
“Nang nagsalita si Efraim ay mayroong panginginig. Itinaas niya ang kaniyang sarili sa Israel, ngunit siya ay nagkasala dahil sa pagsamba kay Baal, at namatay siya.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
When Ephraim spake trembling, he exalted himself in Israel; but when he offended in Baal, he died.
In Context
Cross References
Genesis 2:17Pero mula sa puno ng kaalaman ng mabuti at masama ay hindi ka maaaring kumain, sapagkat sa araw na kumain ka mula roon, ikaw ay tiyak na mamamatay.”
Numbers 10:22Ang mga hukbo na nasa ilalim ng bandila ng mga kaapu-apuhan ni Efraim ang sumunod na humayo. Si Elisama na lalaking anak ni Ammiud ang nanguna sa hukbo ni Efraim.
Numbers 13:16Ito ang mga pangalan ng mga lalaking ipinadala ni Moises upang suriin ang lupain. Tinawag ni Moises si Hosea na lalaking anak ni Nun sa pangalang Josue.
Joshua 3:7Sinabi ni Yahweh kay Josue, “Sa araw na ito gagawin kitang dakila sa mga mata ng buong Israel. Malalaman nila na gaya ng ako ay kasama ni Moises, ako ay makakasama mo.
Judges 12:1Isang panawagan ang lumabas para sa kalalakihan ng Efraim; dumaan sila sa Zafon at sinabi kay Jefta, “Bakit ka dadaan para makipaglaban sa mga tao ng Ammon at hindi kami tinawag para sumama sa iyo? Susunugin namin ang iyong bahay kasama ka.”
1 Kings 12:25Pagkatapos itinayo ni Jeroboam ang Shekem sa burol ng bansang Efraim, at nanirahan doon. Lumipat siya mula doon at itinayo ang Penuel.