Hosea 13:11
Sa aking galit, binigyan kita ng hari, at sa aking poot, tinanggal ko siya.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
I gave thee a king in mine anger, and took him away in my wrath.
In Context
12Ang kasamaan ni Efraim ay nakatago; ang kaniyang pagkakasala ay nakatago.
Cross References
1 Samuel 10:19Subalit ngayon tinanggihan ninyo ang inyong Diyos na nagliligtas sa inyo mula sa lahat ninyong kalamidad at dalamhati; at sinabi ninyo sa kanya, 'Maglagay ng hari sa amin.' Ngayon idulog ang inyong mga sarili sa harapan ni Yahweh ayon sa inyong mga lipi at angkan.”
1 Samuel 12:13Ngayon narito ang hari na inyong pinili, na inyong hiningi at siyang hinirang ngayon ni Yahweh bilang hari ninyo.
1 Samuel 15:23Sapagkat ang paghihimagsik ay tulad ng kasalanan ng panghuhula, at pagkasutil at tulad ng kasamaan at katampalasan. Dahil tinanggihan mo ang salita ni Yahweh, tinanggihan ka rin niya mula sa pagiging hari.”
1 Samuel 16:1Sinabi ni Yahweh kay Samuel, “Hanggang kailan ka magluluksa para kay Saul, yamang tinanggihan ko siya mula sa pagiging hari sa Israel? Punuin mo ng langis ang iyong sungay na sisidlan at umalis. Ipapadala kita kay Jesse na taga-Bethlehem, sapagkat pumili ako para sa aking sarili ng isang hari sa kanyang mga anak na lalaki.”
1 Kings 12:15Kaya hindi nga pinakinggan ng hari ang mga tao, dahil ito ay isang pagbabago ng mga pangyayari na ginawa ni Yahweh, upang maaari niyang tuparin ang kaniyang salita na kaniyang sinabi kay Ahias na taga-Silo kay Jeroboam na anak ni Nebat.
1 Kings 14:7Umalis ka, sabihin mo kay Jeroboam na si Yahweh, ang Diyos ng Israel, ay nagsasabing, “Itinaas kita mula sa kalagitnaan ng bayan para gawin kang pinuno ng aking bayang Israel.