Hosea 13:4
Ngunit ako si Yahweh na inyong Diyos, na nagpalabas sa inyo mula sa lupain ng Egipto. Wala kang dapat kilalaning Diyos kundi ako; dapat ninyong kilalanin na liban sa akin, wala nang ibang tagapagligtas.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
5Nakilala kita sa ilang, sa lupain ng may malaking katuyuan.
Cross References
Exodus 20:2“Ako ay si Yahweh, inyong Diyos, ang naglabas sa inyo mula sa lupain ng Ehipto, mula sa labas ng bahay ng pagkaalipin.
Isaiah 43:3Dahil ako si Yahweh ang iyong Diyos, ang Banal ng Israel, iyong Tagapagligtas. Ibinigay ko na pang tubos sa iyo ang Ehipto, Etiopia at ang Seba kapalit mo.
Isaiah 43:11Ako, Ako ay si Yahweh, at wala nang ibang tagapagligtas maliban sa akin.
Isaiah 45:21Magsilapit at ipahayag ito sa akin, magdala ng katibayan! Hayaan silang magsisabwatan. Sino ang nagpakita nito mula nang unang panahon? Sinong nagpahayag nito? Hindi ba ako, na si Yahweh? At walang ibang Diyos maliban sa akin, ang makatarungang Diyos at ang Tagapagligtas; walang iba maliban sa akin.
Hosea 12:10Kinausap ko narin ang mga propeta, at binigyan ko sila ng maraming mga pangitain para sa inyo. Binigyan ko kayo ng mga talinghaga sa pamamagitan ng mga propeta.”
Acts 4:12Walang kaligtasan sa sinumang tao: sapagkat wala ng iba pang pangalan sa silong ng langit, na ibinigay sa mga tao, kung saan tayo maliligtas.”