Hosea 14:8
Sasabihin ni Efraim, 'Ano pa ang aking gagawin sa mga diyus-diyosan? Tutugon ako sa kaniya at pangangalagaan ko siya. Tulad ako ng isang sipres na ang mga dahon ay laging luntian; nanggagaling sa akin ang iyong bunga.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Job 33:27Pagkatapos aawit ang taong iyon sa harap ng mga tao at sasabihin, “Nagkasala ako at binaluktot kung alin ang tama, pero hindi pinarusahan ang aking kasalanan.
Isaiah 41:19Sa ilang, ang sedro, ang akasya, at ang mertel, at ang puno ng oliba ay lalago; ako ang magsasanhi para lumago sa disyerto ang puno ng igos, puno ng pino, at ng saypres.
Isaiah 60:13Ang kaluwalhatian ng Lebanon ay darating sa inyo, ang punong sipres, ang pir, at puno ng pino na magkakasama, para pagandahin ang aking santuwaryo; at luluwalhatiin ko ang lugar ng aking mga paa.
Hosea 14:2Magpahayag kayo ng mga salita ng pagsisisi at manumbalik kay Yahweh. Sabihin ninyo sa kaniya, “Tanggalin mo ang lahat ng aming mga kasamaan at tanggapin mo kami sa pamamagitan ng iyong habag, upang makapaghandog kami sa iyo ng aming papuri, ang bunga ng aming mga labi.
John 1:16Sapagkat mula sa kaniyang kapuspusan tayong lahat ay nakatanggap ng sunod-sunod na libreng kaloob.
John 15:1Ako ang tunay na puno ng ubas at ang aking Ama ang tagapag-alaga ng ubasan.