Hosea 2:15
Ibabalik ko sa kaniya ang kaniyang mga ubasan, at ang lambak ng Achor bilang pintuan ng pag-asa. Sasagot siya sa akin doon gaya ng ginawa niya sa panahon ng kaniyang kabataan, gaya sa panahon nang lumabas siya sa lupain ng Egipto.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
14Kaya susuyuin ko siya upang manumbalik. Dadalhin ko siya sa ilang at magiliw ko siyang kakausapin.
Cross References
Leviticus 26:40Ngunit kung aamin sila sa kanilang mga kasalanan at sa kasalanan ng kanilang mga ama, at sa kanilang kataksilan na pagiging hindi tapat sa akin at sa kanilang paglalakad laban sa akin—
Deuteronomy 30:3kung gayon babaligtarin ni Yahweh na inyong Diyos ang inyong pagkakabihag at magkakaroon ng habag sa inyo, babalik siya at titipunin kayo mula sa lahat ng mga tao kung saan si Yahweh ang inyong Diyos ay ikinalat kayo.
Judges 8:34Hindi naalala ng mga tao ng Israel na parangalan si Yahweh na kanilang Diyos na nagligtas sa kanila mula sa kapangyarihan ng lahat ng kanilang mga kaaway sa bawat dako.
Nehemiah 1:8Mangyaring alalahanin mo ang salita na iyong iniutos sa iyong lingkod na si Moises, 'Kung kayo ay namumuhay ng hindi tapat, ikakalat ko kayo sa iba't ibang mga bansa,
Isaiah 65:10Ang Sharon ay magiging isang pastulan para sa mga kawan at ang lambak ng Achor isang pahingahang lugar para sa mga kawan, para sa aking bayan na naghahanap sa akin.
Jeremiah 2:2“Pumunta ka at ipahayag mo sa pandinig ng Jerusalem. Sabihin mo, 'Ito ang sinasabi ni Yahweh: Alang-alang sa iyo, inaalala ko ang iyong pangako ng katapatan sa iyong kabataan, ang iyong pag-ibig nang magkasundo tayong magpakasal, nang sundan mo ako sa ilang, ang lupain na walang tanim.