Hosea 2:18
“Sa araw na iyon, gagawa ako ng kasunduan para sa kanila sa mga hayop sa parang, sa mga ibon sa himpapawid, at sa mga bagay na gumagapang sa lupa. Paaalisin ko ang pana, ang espada, at ang digmaan mula sa lupain at pahihigain kita nang ligtas.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Job 5:23Sapagkat may kasunduan ka sa mga bato sa iyong taniman; magiging mapayapa ka sa mga mababangis na hayop.
Psalms 46:9Pinahihinto niya ang mga digmaan sa dulo ng mundo; binali niya ang mga pana at ang mga sibat ay pinagpira-piraso; ang mga panangga ay kaniyang sinunog.
Isaiah 2:4Hahatulan niya ang mga bansa at magbababa siya ng mga desisyon para sa mga tao; papandayin nila ang mga espada nila para gawing pang-araro at ang mga sibat nila para gawing tabak; hindi na huhugot ng espada ang isang bansa laban sa isang bansa o magsasanay pa para sa digmaan.
Isaiah 2:17Ang yabang ng tao ay ibababa at ang kapalaluan ng mga tao ay babagsak; tanging si Yahweh lang ang itataas sa araw na iyon.
Isaiah 26:1Sa araw na iyon ang awit na ito ay aawitin sa lupain ng Juda: Mayroon tayong malakas na lungsod; ginawa ng Diyos ang kaligtasan nitong mga pader at mga kuta.
Isaiah 65:25Ang asong-gubat at ang tupa ay magkasamang manginginain, at ang leon ay kakain ng damo tulad ng baka; pero alikabok ang magiging pagkain ng ahas. Hindi na sila makakapanakit ni makakapinsala sa lahat ng aking banal na bundok,” sinabi ni Yahweh.