bible.software › Hosea › Hosea 2 › Hosea 2:6
Hosea 2:6
Kaya gagawa ako ng bakod ng mga tinik upang harangan ang kaniyang daraanan. Gagawa ako ng pader laban sa kaniya upang hindi niya makita ang kaniyang daraanan.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
Therefore, behold, I will hedge up thy way with thorns, and make a wall, that she shall not find her paths.
In Context
5Sapagkat ang kanilang ina ay naging babaing nagbebenta ng aliw, at siya na nagbuntis sa kanila ay gumawa ng kahiya-hiya. Sinabi niya, “Susundan ko ang aking mga mangingibig, sapagkat ibinibigay nila sa akin ang aking tinapay at tubig, ang aking lana at lino, ang aking langis at inumin.”
7Hahabulin niya ang kaniyang mga mangingibig, ngunit hindi niya sila maaabutan. Hahanapin niya sila, ngunit hindi niya sila matatagpuan. Pagkatapos, sasabihin niya, “Babalik ako sa aking unang asawa, sapagkat mas mabuti para sa akin noon kaysa ngayon.”
Read all of Hosea 2
Cross References
Job 19:8Pinaderan niya ang aking daanan para hindi ako makatawid, at pinadilim niya ang aking nilalakaran.
Lamentations 3:7Gumawa siya ng pader sa paligid ko at hindi ako makatakas. Pinabigat niya ang aking mga posas.
Luke 19:43Sapagkat darating sa iyo ang mga araw, na magtatayo ng harang ang iyong mga kaaway sa palibot mo, at papalibutan ka, at gigipitin ka mula sa bawat panig.
This Verse In Other Editions
Study Hosea 2:6