Hosea 3:4
Sapagkat mamumuhay sa mahabang panahon ang mga tao ng Israel nang walang hari, prinsipe, alay, haliging bato, efod o mga diyus-diyosan sa sambahayan.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Genesis 31:19Nang umalis si Laban para gupitan ang kanyang mga tupa, ninakaw naman ni Raquel ang diyos ng sambahayan ng kanyang ama.
Exodus 28:4Ang mga kasuotan na dapat nilang gawin ay isang baluti, isang efod, isang balabal, isang kasuotang gawa sa habi, isang turbante at isang sintas. Dapat nilang gawin ang mga kasuotang ito para ihandog sa akin. Ito ay para sa iyong kapatid na si Aaron at sa kaniyang mga anak na lalaki para maaari silang maglingkod sa akin bilang mga pari.
Leviticus 8:7Inilagay niya kay Aaron ang tunika at itinali ang kabitan sa palibot sa kaniyang baywang, binihisan siya ng kasuotan at inilagay ang efod sa kaniya, at pagkatapos itinali niya ang efod sa palibot niya kasama ng kabitan na hinabi nang pino at itinali ito sa kaniya.
Judges 17:5Mayroong mga diyus-diyosan ang lalaking si Mica sa kaniyang bahay at gumawa siya ng isang epod at sambahayan ng diyus-diyosan, at inihandog niya ang isa sa kaniyang mga anak na lalaki para maging kaniyang pari.
1 Samuel 2:18Ngunit naglingkod si Samuel kay Yahweh bilang isang batang dinamitan ng isang linong epod.
1 Samuel 21:9Sinabi ng pari, “Ang espada ni Goliat na Pelistina, na pinatay mo sa lambak ng Ela, ay narito na nakabalot sa isang tela sa likod ng efod. Kung gusto mong kunin iyon, kunin mo, dahil wala ng ibang sandata dito.” Sinabi ni David, “Wala ng ibang espada tulad ng isang iyon; ibigay mo ito sa akin.”