Hosea 4:15
Bagaman, ikaw Israel ay nakagawa ng pangangalunya, nawa ay hindi magkasala ang Juda. Huwag kayong pumunta sa Gilgal, kayong mga tao; huwag umakyat sa Beth-aven. At huwag sumumpa, “Sapagkat buhay si Yahweh.”
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Joshua 5:9At sinabi ni Yahweh kay Josue, “Sa araw na ito inalis ko ang kahihiyan ng Ehipto mula sa inyo.” Kaya tinawag ang lugar na iyon sa pangalang Gilgal hanggang sa araw na ito.
1 Kings 12:28Kaya naghanap ng payo si Haring Jeroboam at gumawa ng dalawang guyang ginto; sinabi niya sa mga tao, “Labis-labis ito para sa inyo na umakyat sa Jerusalem. Masdan ninyo, ito ang inyong mga diyos bayang Israel, na naglabas sa inyo sa lupain ng Ehipto.
2 Kings 17:18Kaya galit na galit sa Israel si Yahweh at inalis sila sa kaniyang paningin. Walang ibang natira maliban sa lipi ni Juda.
2 Chronicles 21:11Dagdag pa nito, nagtayo rin si Jehoram ng mga dambana sa mga bundok ng Juda; Pinakilos niya ang mga naninirahan sa Jerusalem na tulad ng isang nagbebenta ng aliw. Sa ganitong paraan, iniligaw niya ang Juda.
Jeremiah 3:6Kaya sinabi sa akin ni Yahweh sa mga araw ni Josias na hari, 'Nakikita mo ba kung gaano kataksil ang Israel sa akin? Nagtutungo siya sa bawat mataas na bundok at sa ilalim ng bawat mayabong na punong kahoy at doon, siya ay kumikilos gaya ng babaing bayaran.
Ezekiel 20:39Kaya sa iyo, sambahayan ng Israel, ito ang sinabi ng Panginoong Yahweh: Ang bawat isa sa inyo ay dapat pumunta sa kaniyang sariling diyus-diyosan. Sambahin ninyo sila kung ayaw ninyong makinig sa akin, ngunit hindi na ninyo dapat lapastanganin ang aking banal na pangalan sa pamamagitan ng inyong mga kaloob at mga diyus-diyosan.