Hosea 4:6
Malilipol ang aking mga tao dahil sa kakulangan ng kaalaman. Sapagkat tinanggihan ninyong mga pari ang kaalaman, tatanggihan ko rin kayo bilang mga pari sa akin. Sapagkat kinalimutan ninyo ang aking kautusan, bagaman ako ang inyong Diyos, kakalimutan ko din ang inyong mga anak.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
1 Samuel 2:28Pinili ko siya mula sa lahat ng mga lipi ng Israel upang maging aking pari, para umakyat sa aking altar, at para magsunog ng insenso, para magsuot ng isang epod sa aking harapan. Ibinigay ko sa bahay ng iyong ninuno ang lahat ng handog ng mga tao ng Israel na ginawa sa apoy.
2 Kings 17:16Sinuway nilang lahat ang mga utos ni Yahweh na kanilang Diyos. Gumawa sila ng imahe ng dalawang batang baka mula sa hinulmang bakal para sambahin. Gumawa sila ng poste ni Asera, at sinamba lahat ng bituin sa langit at si Baal.
Job 36:12Gayon pa man, kung hindi sila makikinig, mamamatay sila sa pamamagitan ng espada; mamamatay sila dahil wala silang alam.
Psalms 119:61Nabitag ako ng lubid ng masasama; hindi ko kinalimutan ang iyong batas.
Proverbs 1:30hindi nila susundin ang aking tagubilin, at kanilang kinamuhian ang aking mga pagtatama.
Isaiah 1:3Kilala ng baka ang nagmamay-ari sa kaniya, at alam din ng asno ang pakainan ng kaniyang amo, pero ang Israel hindi, hindi nakauunawa ang Israel.