Hosea 5:15
Aalis ako at babalik sa aking lugar, hanggang sa aminin nila ang kanilang kasalanan at hanapin ang aking mukha, hanggang sa hanapin nila ako ng masigasig sa kanilang pagdadalamhati.”
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Exodus 25:21Dapat ninyong ilagay ang takip ng luklukan ng awa sa ibabaw ng kaban, at dapat ninyong ilagay sa kaban ang tipan ng kautusan na ibibigay ko sa iyo.
Deuteronomy 4:29Pero mula doon hahanapin ninyo si Yahweh na inyong Diyos, at matatagpuan ninyo siya, kapag hinanap ninyo siya ng inyong buong puso at ng inyong buong kaluluwa.
Judges 4:3Tumawag ang bayan ng Israel kay Yahweh para sa tulong, dahil mayroong siyamnaraang bakal na karwaheng pandigma si Sisera at inapi niya ang bayan ng Israel sa loob ng dalawampung taon.
Judges 10:10Pagkatapos tumawag ang bayan ng Israel kay Yahweh, sinabing, “Nagkasala kami laban sa iyo, dahil iniwan namin ang aming Diyos at sinamba ang mga Baal.”
1 Kings 8:47At ipagpalagay na kanilang napagtanto na sila ay nasa lugar kung saan sila ipinatapon, at ipagpalagay na sila ay nagsisi at humanap ng pabor sa iyo mula sa lupain ng mga humuli sa kanila. Ipagpalagay na kanilang sinabi, 'Kami ay kumilos ng hindi tama at nagkasala. Kami ay nag-asal ng masama.'
2 Chronicles 7:14Sa panahong iyon kung ang aking mga tao na tinawag sa pamamagitan ng aking pangalan ay magpapakumbaba, mananalangin, hahanapin ako, at tatalikod sa kanilang masasamang gawain, makikikiibig ako mula sa langit, patatawarin ko ang kanilang kasalanan, at pagagalingin ko ang kanilang lupain.