Hosea 5:7
Hindi sila naging tapat kay Yahweh, sapagkat nagkaroon sila ng mga anak sa labas. Lalamunin sila ngayon ng mga pista ng bagong buwan kasama ng kanilang mga bukirin.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Psalms 144:7Iabot mo ang iyong kamay mula sa itaas, sagipin mo ako sa maraming tubig mula sa mga kamay ng mga dayuhan.
Isaiah 48:8Hindi ninyo narinig kailanman; hindi ninyo alam; ang mga bagay na ito ay hindi isiniwalat sa mga tainga ninyo nung simula pa. Dahil alam ko na kayo ay napakamapanlinlang, at mapaghimagsik mula sa kapanganakan.
Jeremiah 3:20Ngunit gaya ng isang babaing taksil sa kaniyang asawa, pinagtaksilan mo ako, sambahayan ng Israel. Ito ang pahayag ni Yahweh.”
Ezekiel 12:28Kaya sabihin mo sa kanila, 'Ito ang sinasabi ng Panginoong Yahweh: Hindi na maaantala ang aking mga salita ngunit mangyayari ang mga salitang sinabi ko! —Ito ang pahayag ng Panginoong Yahweh!'”
Hosea 2:11Patitigilin ko rin ang lahat ng kaniyang mga pagdiriwang—ang kaniyang mga pista, ang kaniyang mga pagdiriwang sa bagong buwan, ang kaniyang mga Araw ng Pamamahinga, at ang lahat ng kaniyang mga itinakdang kapistahan.
Hosea 7:13Kahabag-habag sila! Dahil kumawala sila mula sa akin. Darating sa kanila ang pagkawasak! Naghimagsik sila laban sa akin! Ililigtas ko sana sila, ngunit nagsalita sila ng kasinungalingan laban sa akin.