Hosea 8:14
Kinalimutan ako ng Israel, ang kaniyang manlilikha at nagpatayo ng mga palasyo. Pinatibay ni Juda ang maraming mga lungsod, ngunit magpapadala ako ng apoy sa kaniyang mga lungsod at sisirain nito ang kaniyang mga kuta.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Deuteronomy 32:18Pinabayaan ninyo ang Bato, na naging ama ninyo, at inyong kinalimutan ang Diyos na nagsilang sa inyo.
1 Kings 16:31Bale wala lang sa kaniya ang paglakad sa yapak ni Jeroboam na anak ni Nebat, kaya ginawa niyang asawa si Jezebel na anak ni Etbaal, hari ng mga taga-Sidon; pumunta siya at sinamba si Baal at yumukod sa kaniya.
2 Chronicles 26:10Nagtayo siya ng mga toreng bantayan sa ilang at naghukay ng maraming balon, sapagkat marami siyang mga baka sa mababang lugar gayon din sa mga kapatagan. Mayroon siyang mga magsasaka at mga nagtatanim ng ubas sa mga burol sa bansa at sa mabungang mga bukirin, sapagkat mahal niya ang pagsasaka.
Psalms 106:21Nilimot nila ang Diyos na kanilang tagapagligtas, ang gumawa ng mga dakilang gawa sa Ehipto.
Isaiah 22:8Tinanggal niya ang proteksiyon ng Juda; at sa panahon na iyon ay tumingin kayo sa mga sandata ng Palasyo ng Gubat.
Isaiah 42:13Si Yahweh ay lalabas bilang isang mandirigma; siya ay magpapatuloy bilang isang lalaking pangdigmaan. Kaniyang ipupukaw ang kasigasigan. Siya ay sisigaw, oo, siya ay hihiyaw ng kaniyang hiyaw na pandigmaan; ipapakita niya sa kaniyang mga kaaway ang kaniyang kapangyarihan.