Hosea 9:16
Nagkasakit ang Efraim at natuyo ang kanilang mga ugat, hindi na sila namumunga. Kahit may mga anak sila, ilalagay ko ang kanilang minamahal na mga anak sa kamatayan.”
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Deuteronomy 32:25Sa labas ng espada ay mamimighati, at kilabot ay ganoon din sa mga silid-tulugan. lilipol ito sa parehong binata at dalaga, ang sumususong bata, at ang lalaking may kulay-abong mga buhok.
Isaiah 5:24Kaya nga, gaya ng pinaggapasan na nilamon ng dila ng apoy at tuyong damo na sinunog, gayundin ang ugat nila ay matutuyot, at bulaklak nito ay tatangayin na parang alikabok, dahil itinakwil nila ang batas ni Yahweh ng mga hukbo, at nilapastangan ang salita ng Banal ng Israel.
Ezekiel 24:21'Sabihin mo sa sambahayan ng Israel, sinasabi ito ng Panginoong Yahweh: Masdan! Ang kapalaluan ng inyong lakas, ang nais ng inyong mga mata, at ang inyong mga pagnanasa ang dumudungis sa aking santuwaryo! Kaya ang inyong mga anak na lalaki at mga anak na babae na inyong iniwan ay babagsak sa pamamagitan ng espada.
Hosea 8:7Sapagkat itinanim ng mga tao ang hangin at umani ng ipu-ipo. Ang nakatayong trigo ay walang mga uhay; hindi ito makapagbibigay ng harina. Kung mahihinog man ito, uubusin ito ng mga dayuhan.
Malachi 4:1Sapagkat tingnan ninyo, ang araw ay dumarating, na nagliliyab na parang isang pugon, kapag ang lahat ng mayabang at lahat ng gumagawa ng masama ay magiging parang dayami. Susunugin sila sa araw na paparating,” sabi ni Yahweh ng mga hukbo, “upang walang maiwan kahit ugat at maging sanga man.