Isaiah 1:17
alamin ninyo paano maging mabuti; isulong ninyo ang katarungan, tulungan niyo ang mga inaapi, bigyan ninyo ng katarungan ang mga walang ama, protektahan ninyo ang mga balo.”
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
Learn to do well; seek judgment, relieve the oppressed, judge the fatherless, plead for the widow.
In Context
Cross References
Psalms 82:3Ipagtanggol mo ang mahihirap at mga ulila sa ama; panatilihin mo ang mga karapatan ng pinapahirapan at dukha.
Proverbs 21:3Ang paggawa ng kung ano ang tama at makatarungan ay mas katanggap-tanggap kay Yahweh kaysa sa sakripisyo.
Isaiah 1:23Mga rebelde at kasama ng mga magnanakaw ang mga prinsipe niyo; ang bawat isa, nagnanais ng suhol at naghahabol ng bayad. Hindi nila pinoprotektahan ang mga ulila, maging ang mga hinaing pang-legal ng mga balo sa kanilang harapan.
Jeremiah 22:3Ito ang sinasabi ni Yahweh, “Maging makatarungan at makatuwiran, at sinuman ang ninakawan—iligtas siya sa kamay ng mang-aapi sa kaniya. Huwag apihin ang mga dayuhan sa inyong bayan, o anumang ulila o balo. Huwag gagawa ng karahasan o magbubuhos ng dugo ng walang kasalanan sa lugar na ito.
Ezekiel 22:7Hindi na nila iginalang ang mga ama at mga ina na nasa iyo, at inapi nila ang mga dayuhan na nasa kalagitnaan ninyo. Inabuso nila ang mga ulila at mga balo na nasa iyo.
Daniel 4:27Kaya hari, hayaang maging katanggap-tanggap ang payo ko sa iyo. Tumigil ka sa pagkakasala at gawin kung ano ang matuwid. Talikuran mo ang iyong mga kasamaan sa pamamagitan ng pagpapakita ng habag sa mga inaapi, at maaaring magpatuloy pa ang iyong kasaganaan.”