Isaias 10:16
Kaya magpapadala ng pagkagutom ang Panginoong Yahweh ng mga hukbo sa kaniyang mga magigiting na mandirigma, at sa silong ng kaniyang kaluwalhatian ay may nagniningas na apoy.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
2 Chronicles 32:21Nagsugo si Yahweh ng isang anghel, na pumatay sa mga mandirigma, sa mga pinuno ng kawal, at sa mga pinuno ng hari sa kampo. Kaya kahiya-hiyang bumalik si haring Senaquerib sa kaniyang sariling lupain. Nang pumunta siya sa tahanan ng kaniyang diyos, pinatay siya ng ilan sa kaniyang sariling anak gamit ang espada.
Isaiah 5:17Pagkatapos, ang mga tupa ay kakain tulad ng sa sarili nilang pastulan, at sa mga guho ng mayayaman, ang mga batang tupa ay manginginain ng damo.
Isaiah 9:4Dahil ang pasan niyang pamatok, ang kahoy sa kaniyang balikat, ang pamalo ng kaniyang mang-aapi, ay iyong sinira na gaya noong araw sa Midian.
Isaiah 10:18Tutupukin ni Yahweh ang kaluwalhatian ng kaniyang kagubatan at ang kaniyang masaganang lupain, ang parehong kaluluwa at katawan, ito ay magiging tulad ng isang lalaking may sakit na unti-unting nawawalan ng buhay.
Isaiah 17:4Sa araw na iyon ay manghihina ang kaluwalhatian ni Jacob, at papayat ang katabaan ng kaniyang laman.
Isaiah 29:5Ang kawan ng mga sumasalakay sa inyo ay magiging tulad ng maliliit na alikabok at ang maraming mga malulupit tulad ng ipa na naglalaho. Mangyayari ito nang biglaan, sa isang saglit.