Isaiah 10:33
Masdan, puputulin ng Panginoong Yahweh ng mga hukbo ang mga sanga ng puno sa isang kasindak-sindak na pagbagsak; ang mga matataas na puno ay puputulin, at ang mga matatayog ay babagsak.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
34puputulin niya ang kasukalan ng kagubatan gamit ang palakol, at ang tanyag na Lebanon ay babagsak.
Cross References
2 Chronicles 32:21Nagsugo si Yahweh ng isang anghel, na pumatay sa mga mandirigma, sa mga pinuno ng kawal, at sa mga pinuno ng hari sa kampo. Kaya kahiya-hiyang bumalik si haring Senaquerib sa kaniyang sariling lupain. Nang pumunta siya sa tahanan ng kaniyang diyos, pinatay siya ng ilan sa kaniyang sariling anak gamit ang espada.
Isaiah 2:11Ibababa ang mapagmataas na titig ng mga tao, ibabagsak ang kahambugan ng mga tao at si Yawheh lang ang itataas sa araw na iyon.
Isaiah 2:13at laban sa lahat ng sedar ng Lebanon na mataas at inangat, at laban sa mga owk ng Bashan,
Isaiah 18:5Bago ang pag-aani, kapag natapos na ang pagsisibol, at kapag ang mga bulaklak ay nagiging ubas na, puputulin niya ang mga sanga gamit ang pamutol na karit, at kaniyang puputulin at itatapon ang mga kumakalat na mga sanga.
Isaiah 37:24Sa iyong mga lingkod nilapastangan mo ang Panginoon at nagsabing, 'Sa dami ng aking mga karwaheng pandigma umangat ako ng kasingtaas ng mga bundok, sa pinakamataas na sukat mula sa lupa ng Lebanon. Puputulin ko ang kanyang mataas na mga punong cedar at piling puno ng pir doon, at papasukin ko ang dulo ng kanilang matataas ng mga lugar, sa kanilang mayamang gubat.
Jeremiah 22:7Dahil may itinalaga akong mga tagapagwasak upang pumunta laban sa inyo! Mga kalalakihan na may dalang sandata at puputulin ang inyong mga piling puno ng sedar at ilalaglag ang mga ito sa apoy.