Isaiah 10:4
Walang matitira, gagapang ka kasama ng mga bihag, o babagsak kasama ng mga napaslang. Sa lahat ng mga ito, hindi pa humuhupa ang galit ni Yahweh, pero nakataas pa rin ang kaniyang kamay para humampas.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Leviticus 26:36At para doon sa mga natira sa inyo sa mga lupain ng mga kaaway, magpapadala ako ng takot sa inyong mga puso na kahit pa na sa tunog ng isang dahon na hinihipan sa hangin, magugulantang kayo at tatakas kayo na parang tinatakasan ninyo ang espada. Babagsak kayo kahit na wala namang humahabol sa inyo.
Deuteronomy 32:30Paano ba hahabulin ng isa ang isang libo, at papaliparin ng dalawa ang sampung libo, maliban kung ipinagbili sila ng kanilang Bato, at isinuko sila ni Yahweh?
Isaiah 9:11Kaya lalabanan siya ni Yahweh, si Rezin, ang kaniyang kalaban, at hihimukin ang kaniyang mga kalabang
Isaiah 9:16Inililigaw sila ng mga taong nangunguna sa kanila, at ang mga sumunod ay nilamon.
Isaiah 9:20Hihiwa sila ng laman sa kanilang kanang kamay pero magugutom pa rin sila; kakainin nila ang laman ng kanilang kaliwang kamay pero hindi sila mabubusog.
Isaiah 22:2Isang maingay na lungsod, isang bayan na puno ng katuwaan; hindi napatay ng espada ang inyong mga patay, at hindi sila namatay sa labanan.