Isaiah 13:20
Hindi na ito matitirahan o pamumuhayan mula sa saling-lahi hanggang sa isa pang saling-lahi. Hindi na itatayo ng Arabo ang kaniyang tolda doon, ni pagpapahingahin ng pastol ang kawan ng tupa doon.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
2 Chronicles 17:11Nagdala ang ilang mga Palestina kay Jehoshafat ng mga kaloob at pilak bilang pagkilala. Nagdala din sa kaniya ang mga Arabo ng mga kawan, 7, 700 na lalaking tupa at 7, 700 na kambing.
Isaiah 14:23Gagawin ko din silang papunta sa lugar ng mga kuwago, at sa mga sapa, at wawalisin ko siya ng walis ng pagkawasak” - payahag ito ni Yahweh ng mga hukbo.
Isaiah 34:10Masusunog ito sa gabi at araw; ang usok nito ay tataas magpakailanman; mula sa bawat salinlahi ito ay magiging isang tambakan ng basura; walang sinuman ang makararaan dito magpakailanman pa man.
Jeremiah 50:3Isang bansa mula sa hilaga ang lilitaw laban dito, upang gawing malagim ang kaniyang lupain. Walang maninirahan dito, tao man o mabangis na hayop. Tatakas sila palayo.
Jeremiah 50:21“Tumindig kayo laban sa lupain ng Merataim, labanan ninyo ito at ang mga naninirahan na Pekod. Patayin ninyo sila ng mga espada at itakda ang mga ito para sa pagkawasak, gawin ninyo ang lahat ng aking inuutos. Ito ang pahayag ni Yahweh.
Jeremiah 50:45Kaya makinig kayo sa mga balak ni Yahweh na kaniyang napagpasiyahan na gawin laban sa Babilonia, ang mga layunin na kaniyang binalak laban sa lupain ng mga Caldeo. Tiyak na maitataboy sila palayo kahit pa ang mga maliliit na kawan. Magiging wasak na lugar ang kanilang mga pastulan.