Isaias 15:4
Tumawag ng tulong ang Hesbon at Eleale; narinig ang kanilang tunog sa kasing layo ng Jahaz. kaya tumawag ng tulong ang mga armadong kalalakihan ng Moab; nanginginig sila.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Genesis 27:46Sinabi ni Rebeca kay Isaac, “Ako ay pinanghihinaan sa buhay dahil sa mga anak na babae ni Heth. Kung kunin ni Esau na asawa ang isa sa mga anak ni Heth, tulad ng mga kababaihang ito, ilan sa mga anak na babae ng lupain, ano pa ang kabuluhan ng buhay ko?”
Numbers 21:23Ngunit hindi pinayagan ni Haring Sihon ang Israel na dumaan sa kanilang hangganan. Sa halip, sama-samang tinipon ni Sihon ang lahat ng kaniyang hukbo at sinalakay ang Israel sa ilang. Nakarating siya sa Jahaz, kung saan nakipaglaban siya sa Israel.
Deuteronomy 2:32Pagkatapos nakipaglaban si Sihon sa atin, siya at lahat ng kaniyang mga tao, para makipaglaban sa Jahaz.
Judges 11:20Pero hindi nagtiwala si Sihon sa Israel para tumawid sa kanyang teritoryo. Kaya tinipon ni Sihon ang lahat ng kanyang hukbo at pumunta sila sa Jahaz, at doon nakipag-away sila laban sa Israel.
Job 3:20Bakit pa ibinigay ang liwanag sa isang taong naghihirap, bakit pa ibinigay ang buhay sa taong ang kaluluwa ay puno ng pait;
Isaiah 16:8Natuyo ang mga taniman sa Hesbon pati ang mga ubasan ng Sibma. Tinapakan ng mga namamahala sa mga bansa ang napiling mga ubusan na umabot sa Jazer at kumalat sa ilang. Malawak na kumalat ang mga sibol; napunta sila lagpas sa dagat.