Isaias 15:9
Dahil puno ng dugo ang mga tubig ng Dimon; pero magdadala pa ako ng mas marami sa Dimon. Isang leon ang aatake sa mga tatakas mula sa Moab at pati ang mga naiwan sa lupain.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Leviticus 26:18Kung hindi kayo makikinig sa aking mga utos, ay paparusahan ko kayo ng pitong beses ang tindi para sa inyong mga kasalanan.
Leviticus 26:24Pagkatapos lalakad din ako laban sa inyo. Ako mismo ang magpapatama sa inyo ng pitong beses na palo para sa inyong mga kasalanan.
Numbers 21:30Ngunit nasakop namin si Sihon. Nawasak ang Hesbon hanggang sa Dibon. Tinalo namin sila hanggang sa dulo ng Nofa, na umaabot sa Medeba.”
Jeremiah 15:3Ito ang pahayag ni Yahweh: Sapagkat itatalaga ko sila sa apat na pangkat. Ang espada ay upang patayin ang ilan, ang mga aso ay upang kaladkarin ang ilan palayo, ang mga ibon sa kalangitan at ang mga mababangis na hayop sa daigdig ay upang kainin at wasakin ang ilan.
Jeremiah 50:17Parang isang tupa ang Israel na nakakalat at itinataboy ng mga leon. Una, nilapa siya ng hari ng Asiria at matapos nito, si Nebucadnezar na hari ng Babilonia ay binali ang kaniyang mga buto.